Lalaki, Kulong sa Pagnanakaw

KULONG ANG lalaki matapos pagnakawan ang kalugar sa Caloocan City kahapon ng umaga.
Nakilala ang suspek na si Jomar Magtoto, 32, ng Torcillo St., ng lungsod.
Sa pahayag ng biktimang si Kris Eloisa Santos, 25, ng nasabing lugar, alas-3 ng umaga, sinira ng suspek ang kandado ng kanilang bahay at nang makapasok ay kinuha ang kanyang dalawang cell-
phone.
Papatakas na ang suspek nang makita ng biktima na naging dahilan upang magsumbong sa mga barangay tanod.
Sa isinagawang fol-low-up operation ay nadakip ang suspek subalit hindi na nabawi ang cellphone ng biktima.
(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.