75-anyos na lola, nilooban na, ginahasa pa

CEBU CITY – PATULOY na pinaghahanap ngayon ng mga pulis ang suspek sa panloloob at panggagahasa sa isang lola sa Sitio Upper Katugasan, Brgy. Can-asujan, Carcar, Cebu.

Ang biktima ay 75-anyos na lola, na nagpapautang ng pera sa kanilang lugar at umano’y may diperensya sa paningin.

Agad umanong nakatakas ang hindi pa nakikilalang suspek sa ‘di natukoy na direksyon tangay ang pera ng matanda na nagkakahalaga ng P34,000.

Batay sa imbestigasyon ng Carcar PNP sa pangu-nguna ni SPO1 Reynaldo Fuentes, dumaan umano sa kusina ng biktima ang suspek. Bigla na lamang aniya itong tumabi sa matanda, binugbog at saka pinagsamantalahan.

Matapos gawin ang panghahalay ay tinangay nito ang pera ng kaawa-awang biktima.

Humingi ng tulong ang matanda sa kanyang anak na si Felix na siyang nagdala rito sa Vicente Sotto Memorial Medical Center. (Parazzi Reportorial Team)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.