72-Anyos na Lolo, Dedo sa Hit-And-Run

DEAD ON the spot ang isang 72-anyos na lolo matapos itong ma-hit-and-run sa bayan ng Laoac, Pangasinan.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, nakilala ang biktima na si Manuel Nicolas, residente rin ng naturang bayan.

Sa imbestigasyon ng Laoac PNP, nahagip ng motorsiklo ang biktima na tumilapon sa kalsada dahilan para magkaroon ng sugat at pasa sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan na sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Matapos ang insidente ay agad namang kumaripas ng takbo ang suspek.

Sa ngayon ay patuloy ang isinasagawang im-bestigasyon ng kapulisan sa insidente at para matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.