70 Palaboy, Hinuli ng MMDA

PINAGHUHULI NG mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Pasay City-Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga batang palaboy at namamalimos sa mga lansangan kamakailan.

Base sa ulat, nabatid na umaabot sa 70 mga palaboy ang kanilang nakuha sa mga lansangan partikular na sa EDSA at Taft Avenue at area ng Baclaran sa Pasay City.

Nabatid kay Cecil Baluran, ng MMDA na halos araw-araw nilang binabantayan ang mga lansangan sa kahabaan ng EDSA-Taft Avenue, Roxas Boulevard at sa Baclaran Church, kung saan naglipana ang mga palaboy at namamalimos na karamihan ay mga kabataan.

Aniya, katuwang nila ang DSWD sa kanilang paghuli sa mga ito upang mabasawan ang mga taong nakalantad sa peligro sa mga lansangan.

Ayon pa kay Baluran, karamihan sa mga kabataan na kanilang nahuhuli, na walang mga magulang ay dinadala nila sa Mandaluyong Center habang sa Jose Fabella Hospital naman ay ang mga maysakit at sa National Mental naman ang may diperensiya sa pag-iisip.

Samantala, bukod naman sa nakalantad sa peligro at aksidente ang mga ito, nagsisilbi aniya silang “eye sore” sa Metro Manila.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.