7 Supplier ng Shabu, Arestado

ARESTADO ANG pitong kalalakihan na umano’y miyembro ng pinakamalaking sindikato ng ipinagbabawal na droga sa Pozurrubio,Pangasinan.

Sa report ng Pozurrubio Police Station, kinilala ang may-ari ng bahay na si Reynaldo Palma, nasa hustong gulang ng Brgy. Dilan na una nang umamin sa pagkakasangkot nito sa iligal na gawain dala umano ng matinding kahirapan.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, dakong alas-9:00 ng gabi nang maaktuhan ang mga kasama nito na gumagamit ng ipinagbabawal na droga na sina Michael De Vera, Samson Campo, Aquilino Solis Jr., Jimuel Gudoy, Jay-r, at Ar-jay Nazareno.

Nakuha sa pag-iingat ng mga suspek ang limang sachet ng Shabu, ilang drug paraphernalia, pera at isang airsoft gun.

Samantala, detenido ngayon ang mga suspek sa Pozurrubio Municipal Jail habang inihahanda na ang patung-patong na kasong isasampa laban sa kanila.

(TONY DELA PEÑA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.