7 Sugatan sa Karambola ng 3 Sasakyan

PITO ANG nasugatan matapos magkarambola ang tatlong sasakyan sa Maharlika Highway sakop ng Barangay Villabota sa Gumaca, Quezon.

Sinasabing sinakop ng isang Isuzu Elf truck na may plakang RJT 412 ang kabilang kalsada dahilan para sumalpok sa paparating na BLTB bus.

Tinangka pa ng drayber ng bus na iwasan ang Elf truck ngunit nabangga pa ito sa isang motorsiklo.

Inilabas naman ang listahan ng mga pa-ngalan ng mga sugatan sa insidente. Narito ang pangalan ng mga sugatan sa aksidente: Ronilo Nieda, driver ng Elf truck; Jay Torcuator, bus driver; Roel Bagasala, motorcycle rider; Henry Azares, inspektor ng bus; Tricia Bagasala, angkas ng motorsiklo; Armando Rodriguez, pasahero; Diosdado Villarino, pasahero; at Gerry Ardillegos, pasahero.

Samantala, dinala sa Gumaca District Hospital ang mga su-gatan at lima sa mga ito ay agad ding pinauwi matapos malapatan ng first aid.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.