7 Sugatan sa Karambola ng 3 Sasakyan sa C5-Pasig

PITO ANG nasugatan sa karambola ng tatlong sasakyan sa northbound lane ng C5 road sakop ng Pasig City kahapon ng madaling-araw.

Binigyan na ng paunang-lunas ng Barangay Ugong Rescue Team ang mga biktimang sakay ng L300 van bago dalhin sa pagamutan.

Base sa inisyal na report, sinalpok muna ng nasabing van, na may plakang PXR 245 at minamamaneho ni Dante Camarines, ang isang Toyota Innova, na may plakang PWI 248 at minamaneho naman ni Christopher Pamintuan.

Sunod namang napasali sa karambola ang tanker na may plakang TYV 981 at minamaneho ni Lydon Labay.

Dahil sa karambola, nagkabuhol-buhol naman ang daloy ng trapiko roon.

Sa ngayon, patuloy ang pagsisiyasat ng mga awtoridad sa nangyaring insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.