7 Pinoy, Kumpirmadong Patay sa Hostage Crisis sa Algeria

KUMPIRMADONG PITONG overseas Filipino workers (OFWs) ang nasawi sa hostage taking sa gas field sa Algeria.

Ayon sa pahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA), kinumpirma ni spokesperson Raul Hernandez na ang panibagong isang labi ay ang isang da-ting nawawala.

Una nang napaulat na anim ang namatay sa hostage crisis na kinabibila-ngan nina Raffy Edubane at Iluminado Santiago.

Karamihan aniya sa mga namatay ay dahil sa mga tinamong tama ng baril at epekto ng pagsabog.

Tumanggi namang pangalanan ni Hernandez ang mga nasawi dahil ipinararating pa ang impormasyon sa mga kaanak nito.

Samantala, dalawang Pinoy pa rin ang nawawala hanggang sa ngayon.

Stable naman na ang kundisyon ng mga apat na nasugatang Pinoy na nagpapagaling pa rin sa Al Azar Hospital sa nasabing bansa.

Sa ngayon, hindi pa  tiyak ng DFA ang petsa ng repatriation ng mga Pinoy habang patuloy ang koordinasyon sa Algerian authorities ukol sa lagay ng mga Pinoy sa naturang lugar.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.