7, patay kay Mina

CAMP AGUINALDO – UMAKYAT na sa pito ang nasawi sa tatlong araw na pananalasa ng bagyong Mina sa bansa.

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, sa oras ng alas¬-6 ng umaga kahapon, pinakahuling nadagdag sa listahan ng mga namatay si Ruel Cabalic Soria, 4 na taong gulang na nalunod sa Barangay Sta. Fe sa bayan ng San Marcelino sa Zambales.

Tatlo pa sa mga namatay ay mula sa Baguio City, dalawa sa Pangasinan at isa sa Catan-duanes.

Pitong katao rin ang nasugatan habang anim ang nawawala sa pananalasa ng bagyo sa Region 1, 2, 3, 5, 6 at Cordillera Administrative Region.

Umakyat naman sa 9,456 pamilya o 44,927 katao ang apektado sa 177 barangay sa 35 munisipalidad at tatlong lungsod sa 11 lalawigan.

Si Mina ay pumasok sa Philippine Area of Responsibility noong Huwebes, kung saan napakahina ng kilos nito na masasabing mapanganib dahil dahil habang nagtatagal sa lugar ay nakakahigop ng ulan. Noong Sabado, umabot sa Signal number 4 ang babala ng bagyo sa dulong bahagi ng Luzon.

Bagaman walang babala ng bagyo sa Metro Manila, labis na nakaranas pa rin ng ulan bunsod naman ng hanging habagat na pinag-ibayo ni MIna.

Si Mina ay inaasahang mananatili pa hanggang Huwebes sa Philippine Area of Responsibility.              (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.