7 Patay; 5 Pa Missing Sa Lumubog Na Ferry

 

PITONG KATAO ang kumpirmadong nasawi bunsod ng pagkalunod habang pa-tuloy pa ring pinaghahanap ang limang iba pa matapos lumubog ang isang pampasaherong bangka nang salpukin ng malalaking alon sa karagatan ng Tampat Point, Pasingan, Bongao, Tawi-Tawi.

Ayon kay Navy Spokesman Marine Col. Omar Tonsay, galing ng Sipokot Island ang “FB Sereana” kamakalawa ng alas-4 ng madaling-araw at lulan nito ang 27 pasahero.

Sa ulat, bandang alas-9:10 ng gabi noong Setyembre 18,2012 nang makatanggap ng ulat ang mga tauhan ng Naval Forces Western Mindanao sa Bongao, Tawi-tawi na isang bangka o motor temper o MT Kerayna ang sinasabing lumubog kasunod ng malalakas na alon malapit sa nabanggit na katubigan.

Sinasabing nasagip ang 15 pasahero subalit pitong bangkay ang naiahon.         (E. CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.