7 Patay; 14 Sugatan sa Bumanggang Van

PITO ANG nasawi habang nasa 14 ang nasugatan sa nangya-ring aksidente sa daan dakong alas-12:45 ng tanghali kahapon sa lalawigan ng Cotabato.

Sinabi ni North Cotabato PNP provincial director S/Supt Danilo Peralta na mabilis umano ang takbo ng isang pampasaherong D4D van na may plakang LHD-715 mula sa Cotabato City patungo sa Kidapawan City.

Ngunit pagsapit nito malapit sa tulay sa hangganan ng Barangay Nalapaan at Brgy Takipan, Pikit, North Cotabato, nagtangka itong mag-overtake sa isa pang sasakyan ngunit hindi nito namalayan ang kasalubong na Lawin passenger jeep na may plakang MVH 268 kaya bumangga ito.

Lumusot ang van sa dyip kung saan binangga rin nito ang kasunod na six-by-six truck ng 11th Special Forces Company ng 5th Special Forces Battalion ng Phil. Army.

Sinasabing apat ang

on the spot ang bbinawian ng buhay samantala dead on arrival sa Cruzado Hospital sa bayan ng Pikit ang iba.

Karamihan sa mga namatay ay nagka-lasog-lasog ang kata-wan, ilan sa kanila ay nagkaputol-putol ang iba’t -ibang bahagi ng katawan.

Samantala, nawasak at nagkayupi-yupi rin ang van ng araruhin nito ang lawin jeep at truck.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pagsisiyasat ng mga awtoridad sa naturang insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.