7 OFW, Nabigyan ng Royal Clemency sa Saudi

KINUMPIRMA NG Royal Embassy of Saudi Arabia na nakabase sa Maynila ang pagbibigay ng royal clemency sa pitong Overseas Filipino workers (OFWs) na nakakulong sa Saudi Arabia.

Base sa impormasyon ng Migrante International, ayon kay Charge d’ Affaires Abdulelah A.A. Aljebreen ng Saudi Royal Embassy sa bansa na bahagi ng ginagawa ng kanilang kaharian ang paggawad ng clemency upang ipakita ang tunay na diwa ng paggawa ng mabuti, pagpapatawad at pagiging maawain.

Nabatid na nagmula ang mga nabigyan ng clemency mula sa iba’t ibang piitan sa mga distrito ng nasabing bansa at natukoy na nakagawa ng sari-saring paglabag.

Karaniwan umanong ginagawa sa Saudi ang mga ganitong aktibidad pagkatapos ng buwan ng Ramadan.

Katanggap-tanggap naman para kay Migrante-Middle East regional coordinator John Leonard Monterona ang naturang development dahil matagal na itong hinahangad ng mga nakapiit na manggagawang Pinoy.

Samantala, inaasahang a-gad makakauwi ang mga OFW kapag naisaayos na ang kani-lang mga dokumento.

“As we continue to provide assistance to jailed OFWs especially those victims of trumped up charges in Saudi Arabia and in other mid-east countries, we would like to convey our appreciation to the Saudi govt. and His highness King Abdullah in granting clemency to our fellow OFWs. We look forward for their immediate release and repatriation so that the 7 OFWs reunite with their families who are long awaiting them to be home,” ani Monterona. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.