7 miyembro ng pamilya, nalason sa kabute

NEGROS OCCIDENTAL – LABIS na hinagpis ang nadarama ngayon ng isang pamilya sa Kabankalan City dahil pitong miyembro ng kanilang pamilya ang kasalukuyang ginagamot sa Western Visayas Regional Hospital makaraang malason ng kabute kamakalawa.

Sa ulat na nakarating sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kinilala ang mga isinugod sa ospital na sina Dionesio Cabual at mga anak nitong sina Jury, 19; Junky, 14; Mhardelyn, 10; Jonas, 5; at Dylen 3.

Ayon kay Dionesio, inakala nilang ligtas ang pagkain ng kabute na kanya pang pinitas sa kabundukan para gawing ulam sa agahan.

Subalit dalawang minuto matapos makakain, sumama na ang pakiramdam nilang mag-aama at sinabing nagkulay berde na ang paningin sa araw at hindi na rin daw sila makagalaw.

Biyernes pa pinitas ang mga kabuteng kulay itim at noong Sabado lamang ito iniluto. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.