7 Menor, Nailigtas Sa Cybersex

NAILIGTAS NG pinagsanib na puwersa ng Criminal Investigation and Detection Team at ng Municipal Social Walfare Development Office ang pitong mga kabataan na pawang mga menor de edad na umano’y ginagamit na ahente sa pagbebenta ng aliw sa mga banyaga gamit ang internet sa Sta. Maria, Bulacan.

Sa ulat na tinanggap ni Regional Director P/S Supt. Rudy Lacadin, 3rd Regional Criminal and Detection Unit, kinilala ang suspek na si Rayann Fedemonte Y Bustamante, 27 anyos, residente ng Matang-tubig St. Brgy. Guyong sa bayang ito, samantalang kinilala naman ang mga nailigtas na biktima na sina Ogie,16; Nager, 17; Caloy 17; Nor, 16; at tatlo pang mga kababaihan na pawang menor de edad din na nasa kustodiya na ng DSWD.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ng mga pulis, akong ala-1 ng hapon ng pasukin ng mga awtoridad ang tahanan ng suspek, habang masayang nakikipag-chat sa dayuhang banyaga.

Nabatid na ang mga kawawang biktima ang kumukumbinsi sa kanilang mga parokyano, sa iba’t ibang halaga depende sa gusto ng kanilang mga nagiging customers.

Nakumpiska mula sa  suspek ang 6 na set ng personal computer na ginagamit sa transaksyon sa pagbebenta ng ligaya, at ilan pang mga paraphernalia.       (TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.