7 lalaki; 6 na babae, huli sa pag-inom sa kalsada

LABING TATLONG KATAO na kinabibilangan ng anim na babae ang inaresto ng mga awtoridad, matapos na maaktuhan na umiinom sa pampublikong lugar sa magkakahiwalay na barangay sa Caloocan City, noong Lunes ng gabi.

Sina Marwin Magsombol, 21; John Benson Santiago 20; Maverick Parungao, 19; Jomart Topang, 20; Andrew James Sangcap, 20; Aliza Joy Diamsin, 18; Ma. Lorraine Matias, 20; Artricale Avi Ignacio,18; Joanne Santiago, 21; at Carmela Almario, 19, ay nadakip habang nag-iinuman sa kalsada sa kahabaaan ng 4th Avenue, Barangay 21 ng nasabing lungsod, dakong alas-9:30 ng gabi.

Sina Carmelino Corcino, 57; Marcelino Santos, 50; at Mercelita Prado, 46, ay nadakip naman sa kahabaan ng Tanigue St., Barangay 14, Caloocan City, bandang alas-11:20 ng gabi.

Ayon kay P/ Supt. Jude Wilson Santos, hepe ng Caloocan City Police, malaking perwisyo ang pag-iingay ng mga umiinom sa kalsada kung kaya’t mahigpit ang kanilang kampanya sa mga umiinom sa pampublikong lugar.

Paglabag sa City Ordinance No. 0397 ang ipinataw na kaso sa mga nadakip.

“Palagi na lang kaming binubulabog ng tawag sa telepono kaugnay sa mga nag-iinuman sa kalsada, ang sagwang tignan, eh. Sana kung iinom sila sa loob na lang ng bahay,” pagtatapos ni Santos.

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.