7 Katao, Timbog sa Pot Session; 2 Pa, Arestado sa Damo

HULI SA akto ang pitong katao kabilang ang isang babae habang sumisinghot ng droga sa Brgy. Lambakin, Marilao, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Gerardo Andaya kay PNP Provincial Director P/S Supt. Fernando H. Mendez, Jr., kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Edison Aguilar, 36; Rommel Gural, 37; Rufino Gutierrez, 35; Katrina Torres, 21, kapwa ng Brgy. Saog, Marilao; Ricardo Santos, 28; Genaro Duata, 19; at Wency Almazan, 26, kapwa ng Brgy. Bayugo at Pantoc, Meycuayan City.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ng mga awtoridad, dakong alas-10:45 ng gabi nang salakayin ng mga awtoridad ang lugar, makaraang makatanggap ng tawag sa telepono mula sa concerned citizen na may nagaganap na pot session sa nabanggit na barangay.

Nabatid na matagal nang inirereklamo ang mga nadakip na suspek, subalit kagabi lamang natiyempuhan ang pag-singhot ng droga ng mga ito, kung saan nakumpiska mula sa mga suspek ang ilang sachet ng hinihinalang Shabu at mga Shabu paraphernalia.

Sa hiwalay na operasyon ng mga pulis, dalawang katao pa ang nadakip dahil din sa pag-iingat ng iligal na droga na pinatuyong dahon ng Marijuana sa Brgy. Saog habang nagsasagawa ng checkpoint sa nabanggit na lugar.

Kinilala naman ang nadakip na suspek na sina  Gerald Cortez, 23; at Santos Indanan, 23, kapwa ng Brgy. Bangcal, Meycauayan City.

Ayon sa mga awtoridad lulan ng motorsiklo na may plakang IK-7269 na pag-aari ng isang Susan Soriano, nadakip ang dalawa nang umiwas ang mga ito sa checkpoint ng PNP sa nabanggit na barangay.

Kasong paglabag sa Republic Act 9165 ang kakaharapin ng mga suspek na kasalukuyang nakakulong ngayon sa Marilao Municipal Jail.

(TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.