7 Katao, Timbog sa Pagbabalot ng Droga

 

MATAGUMPAY ANG ini-lunsad na drug operation ng mga tauhan ng PDEA at Bulacan PNP laban sa mga umano’y runner at mga pusakal na tulak ng ipinababawal na droga sa Bustos, Bulacan.

Sa ulat na tinanggap ni PNP Provincial Director P/Sr. Supt. Fernando Mendez, Jr., kinilala ang mga nadakip na suspek na sina  Roberto Villarosa @ Bokbok,50 anyos; Jayson Naynes, 28; Rey Bartolome, 35; Amang Quiambao, 49; Ryan Parayno, 25; Nino Principio, 33; at Remegio Molina , 49, kapwa mga residente ng Brgy. Poblacion.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ni PO3 Merick Vincent Santos, dakong ala-1 ng madaling-araw nang matunugan ng mga awtoridad na may nagaganap umanong abutan ng Shabu ng kalalakihan sa nabanggit na barangay.

Nabatid na mula sa isang concerned citizen, agad na natukoy ng mga pulis ang lugar kung saan humihitit pa ng droga ang ilan sa kanila habang tinatakal ang mga ibebentang droga.

Samantala detenido ngayong ang mga suspek sa Bustos Municipal Jail habang inihahanda ang kasong paglabag sa Sec. 5, 11, 12, at 15 Article ll ng Republic Act 9165.

(TONY DELA PEÑA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.