7 Katao, Kalaboso sa Droga

ARESTADO ANG pitong katao kabilang ang dalawang babae makaraang magasagawa ng magkakahiwalay na drug operation ang mga pulis sa bayan ng Plaridel, Marilao, Obando at sa Meycauayan City sa Bulacan.

Sa report na natanggap ni Police director officer in charge Senior Supt. Joel Sabio Orduña, kinilala ang naarestong suspek na sina John Albert Japone, 35 anyos, may-asawa, residente ng Sitio Dike, Brgy. Poblacion, Plaridel; Martiniano Guerinia, 50, tricycle driver, taga-Estranio St., Brgy. Bancal; Alvin Villacorta, 35, ng 556 Diez St., Brgy. Bayugo, pawang sa Meycauayan City; Rosalayn Cabrera, alias Osang, 30, residente ng Block 46, Lot 23, Northville 4A, Brgy. Lambakin, Marilao; Antonio Pajarillo, 48; Mark Anthony Cortez, 29; at Vivian Cardenas, 40, pawang mga residente ng Brgy. Paco, Obando, Bulacan.

Ayon kay Plaridel police chief Supt. Amado Mendoza, nahuli si Japone sa isang buy bust operation noong Lunes ng hapon. Nakumpiska sa suspek ang isang plastic sachet na may lamang Shabu at isang P500 bill na ginamit sa buy bust operation.

Samantala, naaresto naman sa pangunguna ni Supt. Sidney Villaflor, Meycauayan police chief, sina Guerinia at Villacorta sa Brgy. Bancal, matapos sa magbigay ng impormasyon ang isang concerned citizen noong Lunes.

Narekober sa mga suspek ang isang plastic sachet na may lamang Shabu at drug paraphernalia.

Nasakote naman ng Marilao police sa ilalim ni Supt. Gerry Andaya, si Cabrera o mas kilala sa tawag na Osang sa isang pot session noong Sabado ng ng hapon.

Sina Pajarillo, Cortez at Cardenas ay nahuli sa isinagawang drug operation ng Obando Police. Nahuli ang tatlo na aktong gumamit ng Shabu.

Ang mga suspek at ebidensiya ay dinala sa Bulacan Provincial Crime Laboratory Office para sa drug test at laboratory examination habang inihahanda ang mga kasong kahaharapin ng mga ito.

(TONY DELA PEÑA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.