7 katao at isang sanggol, nailigtas sa sakuna sa dagat

NAKALIGTAS SA TIYAK na kamatayan ang walo katao, kabilang pitong buwang sanggol na sakay ng isang pampasaherong bangka dahil sa lakas ng hangin upang ito ay mawasak kahapon ng umaga sa karagatan ng Calayan, Cagayan.

Ayon kay Chief Insp. Jorge Cablarta ng Aparri PNP, sakay ang mga biktima sa MV San Bartolome patungong Claveria, Cagayan mula sa Calayan nang mahagip ng malalakas na hangin pagsapit sa Linao, Aparri.

Kinilala ang mga nailigtas na sina Felino Fernando, 53-anyos; Arthur Fernando Duerme, 33; asawa nitong si Mercy 32; at ang kanilang anak na pitong buwang sanggol na si Boy Arthur; Fernando Llopis; Prince Fernando, 29; Rexum Fernando; at Vincent Caddarao, 19.

Batay sa report, nabigala na lamang sila dahil walang anumang pagbabadya ng masamang panahon nang sila ay umalis sa Calayan at hindi nakadaong ang nasabing bangkang de motor sa pantalan ng Linao nang mawasak ito.

Ilang mga gamit na lumulutang ang nagligtas sa mga pasahero kung saan hindi binitiwan ni Mercy ang kanyang sanggol hanggang sa dumating ang rescue.

(ZUNATO TUAZON)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.