7 Katao arestado sa Cara y Cruz

HULI SA akto ng mga pulis ang 7 katao kabilang ang isang babae habang nagka-Cara y Cruz sa Brgy. Abangan Norte, Marilao, Bulacan.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Gerry Andaya kay P/S Supt. Fernando Mendez Jr., Bulacan police director, kinilala ang mga naaresto na sina Orlando Remigio, 43 anyos, may-asawa, residente ng Ngusong Buwaya, Brgy. Saluysoy, Meycauayan City; Jeffrey Ocampo, 27, taga-8411 Maria Ramos Subdivision, Brgy. Abangan Sur, Marilao, Bulacan; Fernando Tecson, 33, ng 42 Saint Jude, Viente Reales, Valenzuela City; Ryan Santos, 20, 357 Hulo St., Brgy. Lolomboy, Bocaue; Jonnel Encaja, 35, Danilo Tuviera, 45; at Denny Rose Delos Santos, pawang mga residente ng Maria Socorro Subdivision, Abangan Norte,sa baying ito.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ng mga awtoridad, dakong alas-7:40 nang maaktuhan ang mga suspek na nagsasagawa ng sugal sa tabi ng Celebrity 3000 KTV Bar ng naturang barangay.

Nakuha mula sa mga naaresto ang halagang 450 nananatiling nasa kustodiya ng kapulisan para kaharapin ang kasong PD 1602 Illegal Gambling.

(TONY DELA PEÑA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.