7 Huli sa Poker sa Bora

PITONG KALALAKIHAN ang nahuli sa aktong naglalaro ng baraha na gumagamit ng poker chips sa Sitio Cagban, Brgy. Manoc-Manoc sa isla ng Boracay.

Ang mga naaresto ay kinilalang sina Bryan Tornea, 27, ng Brgy. Caticlan, Malay, Aklan; Julius Villas, 26, ng Sta. Ana, Manila; John Jay Relojas, 26, ng New Washington, Aklan; Rafael Villagante, 23, ng Ajuy, Iloilo; Jeffrey Agravante, 26, ng Toril Davao City; Jonathan Parba, 30, ng Koronadal City; Ryan Ronquillo, 25 ng Sitio Bulabog, Brgy. Balabag sa Boracay.

Ang mga salarin ay naaresto sa isinagawang entrapment operation sa pangu-nguna ni S/Insp. Joeffer Cabural, hepe ng Boracay Tourist Assistance Center matapos na mapabalita ang illegal na aktibidad sa nasabing lugar.

Samantala, narekober naman sa mga ito ang nasa 65 mga poker chips na may iba’t ibang halaga, mga pera at baraha.

Kasalukuyang sasampahan ng kau-kulang kaso ang mga suspek.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.