7 Dayuhang Dawit sa Sabah Incident, Tiklo

MAS PINALAWAK pa ng Malaysian security forces ang paghahanap sa natitirang miyembro ng armadong grupo ni Rajah Muda Agbimuddin Kiram sa Sabah.

Sa report ni Sabah police chief Datuk Hamza Taib, pinakahuli nilang naaresto ang pitong lalaki at dalawang babae sa bahagi ng Beluran.

Sinabi ng opisyal na narekober din mula sa mga suspeks ang armas, dokumento at pera, bagama’t tumanggi itong magbigay nang karagdagang detalye hinggil sa operasyon.

Tinukoy ni Hamza na na kabilang sa mga naaresto ay pitong dayuhan.

Binanggit din ng opisyal na kung noon ay nakasentro lamang sa area ng Lahad Datu, Tawau, Sandakan at iba pang distrito ang kani-

lang pagtugis, mas pinalawak pa umano ito ngayon.

Samantala, umaakyat na sa 181 ang bilang ng mga naaresto kaugnay sa madugong standoff incident sa Sabah.

Nailibing na rin aniya ang 17 bangkay na namatay sa pakikipaglaban sa mga kinauukulan.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.