7 bayan sa Iloilo, nilusob ng mga pesteng daga

 

ILOILO CITY – KINUMPIRMA ng Iloilo Provincial Agriculture Office ang pagdami at paglusob ng mga pesteng daga sa mga pananim sa Iloilo.

Nagkalat ngayon ang mga peste sa mga pananim dahil na rin sa tuluy-tuloy na ani ng mga magsasaka, ayon sa pahayag ni Provincial Agriculture Officer Dr. Eldefonso Toledo.

Napag-alaman na walang tigil ang pagtatanim ng mga magsasaka dahil na rin sa tuluy-tuloy na pag-ulan simula ng nakaraang taon.

Dahil dito dumarami rin ang makakain ng mga peste kaya’t dumami ang mga ito.

Sa ngayon, pitong bayan na sa lalawigan ng Iloilo ang pinutakti ng mga daga, kung saan ang bayan ng Santa Barbara ang may pinakamaraming barangay na apektado na umaabot sa 16.

Ang iba pang mga barangay ay ang Barotac Nuevo, Barotac Viejo, Cabatuan, Oton, San Dionesio at San Miguel.

Kaugnay nito, nagpalabas na ng tulong ang provincial government ng Iloilo sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga libreng pesticide.

Napag-alaman na 10 na ring magsasaka ang namatay dahil sa leptospirosis na dala ng mga pesteng daga sa lalawigan. (Parazzi Reportorial Team)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.