7-Anyos, Patay sa Sagasa

PATAY ANG pitong taong gulang na batang lalaki matapos masagasaan ng isang Elf truck na may kargang semento kamakailan ng alas-5:00 ng hapon sa Brgy. Villa Kanangga sa siyudad.

Nakilala ang biktima na si Alexander Envabo, residente ng Purok 6 ng nasabing barangay.

Ayon sa tiyahin nitong si Juliet, nakiki-paghabulan ang bata sa kanyang kapatid at hindi nito namalayan ang papaatras na sasakyan dahilan upang mauntog ito sanhi ng kanyang pagkatumba.

Gumapang pa umano ang biktima ngunit sa kasamaang palad ay naabutan din ito ng sasakyan kung kaya’t nadaganan ang ulo nito.

Paliwanag naman ng driver na si Rene Lugante, 36, na taga-Brgy. Jaguimitan, Nasipit Agusan del Norte, wala siyang nakitang tao sa likuran ng sasakyan habang kanya itong pinaaatras papasok ng bodega.

Huli na umano ang lahat nang kanyang malamang nasagasaan na pala ang bata.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.