7-anyos, Patay sa Humaharurot na Bus

DEAD ON arrival sa pagamutan ang pitong taong gulang na bata sa Camarines Sur matapos mabangga ng humaharurot na pampasaherong bus.

Kinilala ang biktima na si Mia France Briones ng Zone 6, Barangay Sagrada, bayan ng Pili.

Ayon kay PO3 Cornelio Barrameda ng PNP-Pili, bigla na lamang tumawid sa Fuentebella Highway ang biktima at hindi kaagad napansin ang paparating na Florencia bus.

Posible rin umanong hindi kaagad nakapagpreno ang driver na si Rodel Osia ng Camagong, Lagonoy dahil sa bilis ng pangyayari.

Boluntaryo namang sumuko ang suspek sa mga kinauukulan.

Samantala, hinihintay ng PNP ang desisyon ng pamilya ng biktima kung tuluyang kakasuhan ng reckless imprudence resulting to homicide ang nasabing driver.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.