7-Anyos na Totoy, Nalunod sa Swimming Pool

PAGKALUNOD ANG SINASABING dahilan ng maagang kamatayan ng isang 7-taong gulang na batang lalaki makaraang malunod sa swimming pool na kanyang nilalanguyan, habang nakaligtas naman ang kasamahan nito sa Caloocan City, iniulat ng pulisya kahapon ng umaga.

Patay na nang idating sa Nodados General Hospital sa Camarin si Russel Agawanta, grade 11 pupil, residente ng Phase 10-B, Package 5, Block 28 Lot 8, Bagong Silang ng nasabing lungsod.

Kaagad namang nabigyan ng first aide at nailigtas ang kaibigan ng biktima na si Ricardo Caranza, 8.

Sa report ni PO3 Joselito L. Bagting ng Sub-Station 3, bandang alas-12 ng tanghali nang magkayayaan ang magkaibigan na mag-swimming sa pool ni Mrs. Emilia Padan sa Phase 4, Package 4, Block 17, Bagong Silang, Caloocan City.

Nagbayad umano ng P20 ang mga biktima para sa kalahating oras na pagsu-swimming.

Ilang sandali ang lumipas, hindi na lumutang si Agwanta, samantalang nagkakawag naman si Caranza na aktong nakita ni Padan at sinagip ito.

Kinasuhan na ng Homicide due to Reckless Imprudence and Negligence si Padan.

(ROMAN MAGPOC) 

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.