7-Anyos na Totoy, Minolestya ng 15-Anyos na Binatilyo

HALOS HINDI makapaniwala ang mga magulang ng pitong taong gulang na batang lalaki na magagawa itong pagsamantalahan ng isang 15-anyos na binatilyo sa bayan ng Sapian, Capiz.

Ayon sa biktima na si alyas Ewen, isinalaysay nito ang buong pangyayari nang molestiyahin siya ng kanyang itinuturing na kuya na si alyas Yanyan.

Ayon sa bata, nanonood ito sa mga naglalaro ng basketball malapit sa kanilang bahay noong Marso 31, nitong taon nang nilapitan at niyaya siya ng suspek na si Yanyan na pumunta sa paaralan ng kindergarten sa kanilang lugar.

Sapagkat inosente ang nasabing biktima sa dahilan ng kanilang pagpunta sa naturang gusali, agad naman itong sumama.

Pagdating sa nasabing lugar, pumasok ang dalawa sa comfort room at doon na isinagawa ng suspek ang kanyang balak.

Sabay na hinubad ni Yanyan ang short pants nila ni Ewen at pinasok ang kanyang ari sa puwit ng bata.

Dahil dito, umiyak ang biktima na nadinig pa ng mga nakatira malapit sa gusali.

Sa kabila naman ng pagkadiskubre ng ilang katao sa nangyari, mariin naman itong itinago ng bata sa kanyang mga magulang dahil sa takot sa salarin na nagbiling huwag ipagkakalat ito.

Desididong magsampa ng kaso ang mga magulang ng bata sa sinapit ng kanilang anak mula sa suspek.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.