7-Anyos, Minolestiya ng Sariling Lolo

MINOLESTIYA ANG pitong taong gulang na batang babae ng sarili nitong lolo sa bayan ng San Quintin, lalawigan ng Pangasinan.

Nakilala ang suspek na si Zaldy Vidanya, 48, isang magsasaka at residente sa naturang lugar.

Ayon kay P02 Edna Dumo ng Women and  Children’s Protection Desk ng San Quintin PNP, habang ang biktima ay naglalaro sa kanilang bahay, bigla na lamang itong hinila kanyang sariling lolo at dinala sa isang kubo at doon isinagawa ang makamundong pagnanasa sa apo.

Sinasabing Ipinasok ng suspek ang kanyang darili sa maselang bahagi ng biktima.

Naaresto ang suspek matapos may makakita sa ginawa nitong kahalayan sa sariling apo.

Samantala, patuloy parin ang ginagawang pagsisiyasat ng mga kinauukulan habang nakatakda na itong sampahan ng kaukulang kaso.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.