7-Anyos, Kinidnap sa Tapat ng Eskwelahan

ISANG 7-TAONG gulang na batang babae ang kinidnap sa tapat ng pinapasukang eskwelahan nito sa BF Homes Subdivision, Barangay Holy Spirit, Quezon City.                                                                                                      Sinabi ni PO3 Edilberto Vargas ng Quezon City Police District (QCPD) Station 6 na nakasakay sa dalawang gray na Toyota Vios ang mga dumukot sa bata na kinilala lamang sa pangalang “Ashley” sa tapat ng School of the Holy Spirit alas-7:00 ng umaga kamakailan.

Base sa follow up operation, nasabat ng mga kinauukulan ang isang Vios na sinasakyan ng suspek na kinilalang si Guillermo Garcia ngunit wala na roon ang naturang bata.                                                                    Samantala, patuloy pa ring hinahanap ang isa pang sasakyan na pinaniniwalaang may lulan sa bata habang inaalam na rin ang motibo sa pagdukot dito.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.