6th Star Magic Ball, matagumpay!

GAYA NG inaasahan ay naging matagumpay ang nakaraang 6th Annual Star Magic Ball which also served as the culminating event of Star Magic’s 20th anniversary. The black and white themed affair held at Makati Shangri-La Hotel was attended by ABS-CBN artists, executives, staff and special guests. Nagkaroon muna ng dinner bago nagsimula ang main program.

Nagkaroon ng cotillion dance ang mga up-and-coming Star Magic artists na sinundan ng isang special musical number ng mga Star Magic singers accompanied by Maestro Ryan Cayabyab.

This year’s Star Magic Ball gave special awards to artists like Gerald Anderson (Hot Papa), Carmina Villaroel (Hot Mama), Enchong Dee and Maja Salvador (Stars of the Night), Richard Poon and Maricar Reyes (Fab Pair of the Night), Daniel Padilla and Kathryn Bernardo (Breakout Style Pair), Julia Montes (Sweetheart of the Night), Xian Lim and Kim Chiu (Couple of the Night), Diether Ocampo and Angelica Panganiban (Star Magic Icons), Bea Alonzo (Jaw-Dropping Stunner) and Coco Martin (Standout Male Star).

Coco accepted the award from its presentor na si Matteo Guidicelli. Kung last year ay nagkaroon ng mainitang komprontasyon ang dalawa, ngayon naman ay ipinakita nilang nagka-ayos na sila. Nagyakapan sila at pabiro pang hinalikan ni Matteo ang kamay ni Coco.

Isa sa mga inabangan nang gabing iyon ay ang mga bonggang kasuotan ng mga artista na rumampa nang husto sa red carpet. Piolo, Lloydy, Enchong, Xian, Coco, Vhong Navarro, Jake Cuenca, Billy Crawford, Sam Milby and Mr. Freddie Garcia looked dapper in a classic black tuxedo. Some opted for a white suit tulad nina Paulo Avelino, Kit Thompson, Marco Gumabao and Star Magic’s Mr. M.

Agaw-eksena rin ang mga female stars dahil sa kanilang mga agaw-pansin na kasuotan gaya ng sexy backless gowns (Shaina Magdayao at Empress Schuck), lace gowns (Erich Gonzales, Melissa Ricks, Venus Raj, Bianca Manalo at Angelica Panganiban), serpentina cut gowns (Kim Chiu, Denise Laurel at Megan Young), embellished gowns (Julia Montes, Melai Cantiveros, Jessy Mendiola, Maja Salvador at Angeline Quinto) at ang black feather gown ni Bea. Carmina and Dawn Zulueta chose to wear classic black gowns samantalang structured dress naman ang suot ni Iza Calzado na first time umattend ng Star Magic Ball.

Siyempre hindi rin pinalampas ang mga celebrity couples na pinagmistulang Valentine’s Day ang Star Magic Ball because they were inseparable. Some celebrities came with friendly dates. Ilan sa mga spotted showbiz pairs ay sina Billy Crawford-Nikki Gil, Andrei Felix-Venus Raj, Gab Valenciano-Coleen Garcia, Kean Cipriano-Bangs Garcia, Erik Santos-Angeline Quinto, Martin del Rosario-Denise Laurel, Ejay Falcon-Empress Schuck, Paul Jake Castillo-Melissa Ricks, Jake Cuenca-Tin Patrimonio, Richard Poon-Maricar Reyes, Xian Lim-Kim Chiu, at Zanjoe Marudo-Bea Alonzo. Ang iba namang pares na inasahang magka-date ay dumating ng magkahiwalay tulad nina Enchong Dee-Julia Montes at sina JM de Guzman-Jessy Mendiola. Dumating naman sina Maja, Shaina, Melai at Bianca Manalo na walang partner. While Lloydy and Angelica arrived at the event separately, they were seen leaving the ball together while holding hands.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

4 thoughts on “6th Star Magic Ball, matagumpay!

  1. well nasa kanila kasi ang brightest stars kumikinang talaga ahaha while ang gmacc ball tamang covered court at multipurpose hall ang venue ahaha at ang mga outfit grabe pang divisoria ang peg

Leave a Reply

Your email address will not be published.