‘Wag Po, Tito! 8-Anyos na Nene, Niluray ng Amain

‘WAG PO, tito!’ Ito ang pagmamakaawa ng isang 8 taong gulang na batang babae na umano’y ginahasa ng kanyang stepdad kamakalawa ng gabi sa Brgy. Bunlo, Bocaue, Bulacan.

Sa ulat na ipinadala ni PNP Provincial Director P/Sr. Supt. Fernando Mendez, Jr. kay PNP Region-3 Director P/Chief Supt. Edgardo Ladao, kinilala ang nadakip na suspek na si Jose Gipanao Y Lupamea, 30 anyos,residente ng  Sitio Libis II sa nabanggit na barangay, samantalang ang biktima naman ay itinago sa pangalang Janine.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, dakong alas-9 ng gabi nang madakip ang suspek sa isang umpukan sa lugar.

Nabatid na nadiskubre lamang ang panghahalay sa paslit nang nakita ito ng kanyang nanay na umiiyak sa sulok ng kanilang bahay na halos hindi makausap dahil sa matinding takot at hirap na inabot nito sa kanyang ama-amahan.

Ayon sa paslit, pinilit at tinakot umano siya ng suspek na lasing sa alak, dahil sa takot na papatayin siya nito.

Samantala, detenido ngayon ang suspek sa Bocaue Municipal Jail sa kasong Rape in Relation to Republic Act 7610 o Anti-Child Abuse Law.

(TONY DELA PEÑA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.