67, makikinabang sa proyekto ng Kongresista at ng DoLE

MAKIKINABANG ANG may 67 beneficiaries ng “Kalinisan ay Kalusugan ng Malabon” na ini-

lunsad ni Lone District Congresswoman Jaye Lacson-Noel sa pakikiisa na rin ng Department of Labor and Employment (DoLE).

Ayon kay Rep. Noel, maglababas ng pondo ang kanyang opisina, upang bigyan ng pagkakakitaan ang mga taga-Barangay Longos ng nasabing lungsod.

Babayaran ng gobyerno ang mga residente na maglilinis ng kanilang kapaligiran, base na rin sa pondong ipalalabas ni Rep. Noel hinggil sa nasabing proyekto.

Bukod sa DoLE, kaisa rin sa nasabing programa ang “Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged Workers (TUPAD).

“The program will provide, financially, for residents and at the same time, it initiates health and cleanliness awareness in the communities,” pahayag pa congresswoman.

Pinasalamatan din Rep. Noel si Chairman Ernie dela Cruz ng Barangay Longos, dahil sa pakikiisa nito sa nasabing programa.

“May income na, malinis pa ang paligid. Parang two birds in one stone, ‘di ba?” dagdag pa ni Lacson-Noel.

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.