66, Nalason sa Spaghetti

ANIMNAPU’T ANIM na residente ng Barangay Jalandoni-Wilson sa Iloilo City ang isinugod sa ospital matapos umanong malason sa kinaing spaghetti.

Lahat ng mga biktima ay nakaramdam ng nakadama ng pananakit ng tiyan, pagsusuka at pagkahilo ang mga biktima.

Mga bata ang karamihan sa mga naospital na kumain sa handang spaghetti ng isa sa kanilang mga kapitbahay kamakalawa ng umaga.

Ayon sa Iloilo City Provincial Health Office, posibleng naging sanhi ng pagkalason ang agad na pagtakip sa mga pagkaing naluto.

Agad namang iniutos ni Mayor Jed Mabilog ng iloilo City ang mga health official na magpadala ng gamot doon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.