6,500 school principal, wanted

INIHAYAG NG DEPARTMENT of Education na hindi lamang kakapusan sa guro ang sasalubong sa school year 2011-2012 na magsisimula sa Hunyo, kasama na rin dito ang kakulangan ng mahigit 6,500 na principals.

Base sa record ng DepEd noong  2008, kapos ng kabuuang 4,668 na school principal, lumobo pa noong 2009 at 2010, at ngayong pagbubukas ng pasukan ay tinatayang nasa 6,500 ang kakulangan ng mga principal sa iba’t ibang pampublikong paaralan sa bansa.

Sinabi ni DepEd Secretary Armin Luistro, sa nakalipas na 2010 National Qualifying Examination for Principal (NQEP) ay wala pa sa 10 porsiyento ang nakapasa sa mga examinees.

Nabatid na sa may kabuuang 9,778 kumuha ng pagsusulit, 924 lamang sa mga ito ang pinalad na makapasa sa exam.

“A total of 924 examinees hurdled the said examination, representing approximately 9.5 percent of the total aspirants,” ani Luistro.

Dahil dito ay mapipilitan ang DepEd na magtalaga muna ng mga “teachers in charge” para mapunan ang nasabing kakulangan sa mga posisyon sa bawat paaralan. (GIGI CONVOCAR)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.