6,458 SPES natulungan ni Recom

 

NAGING MATAGUMPAY ang proyekto ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri na matulungan ang mga mahihirap na estudyante sa pamamagitan ng pagbibigay ng trabaho sa mga ito tuwing summer vacation, kung saan ay umabot sa 6,458 mag-aaral ang nabiyayaan ng Special Program for Employment of Students (SPES) simula noong taong 2005.

Sa ulat na isinumite ng Labor and Industrial Relations Office (LIRO) sa tanggapan ni Echiverri, ang nasabing bilang ng mga estudyante na nabiyayaan ng SPES ay simula noong 2005 hanggang kasalukuyan.

Ayon kay Echiverri, naging matagumpay ang programang ito ng lokal na pamahalaan dahil na rin sa pakikipagtulungan ni Liga ng mga Barangay sa Pilipinas President, Councilor Ricojudge “RJ” Echiverri na siyang nakipag-ugnayan sa mga barangay officials para sa naturang proyekto.

Base pa sa record ng LIRO, noong 2005 ay umabot sa 500 estudyante ang nakinabang sa SPES; 500 din noong 2006; 800 noong 2007; 850 noong 2008; 730 noong 2009; 896 noong 2010; 1,000 noong 2011 at 1,182 ngayong 2012.

Inaasahan din ng LIRO na tataas pa ang bilang na ito ng mga estudyanteng natulungan dahil sa patuloy na pagpapatupad ng SPES taun-taon na ang nakikinabang ay ang mahihirap na mag-aaral sa buong lungsod.

Sinabi pa ni Echiverri, malaki ang naitulong ng SPES sa mga estudyante dahil sa pamamagitan nito ay hindi na nahirapan pa ang kanilang mga magulang na maghagilap ng perang ipambabayad sa matrikula ng kanilang mga anak.

“Layunin natin na matulungan ang mga mag-aaral na hindi sapat ang kinikita ng mga magulang upang makapagpatuloy sa kanilang pag-aaral at sa pamamagitan ng SPES ay malaki ang maitutulong nito sa kanilang pag-aa-ral, naniniwala kasi tayo na ang edukasyon ang makatutulong sa bawat isa upang makaangat sa buhay,” sabi pa ni Mayor Recom.

Simula ng manungkulan si Mayor Echiverri bilang alkalde noong 2004 ay tuluy-tuloy ang naging programa nito hindi lamang sa larangan ng edukasyon kundi maging sa iba pang proyekto na makatutulong sa pag-angat ng ekonomiya ng lungsod at maging sa kabuhayan ng mga residente.

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.