63 proyekto naipagawa ni Recom sa mga paaralan

UMABOT SA animnapu’t tatlong proyekto sa mga paaralan ang naipagawa ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri kabilang na dito ang mga bagong gusali at iba pang infrastructure projects sa lahat ng pampublikong eskuwelahan sa buong lungsod.

Base sa nakalap na impormasyon sa City Engineering Office (CEO) ng Caloocan City Hall, ang mga nasabing proyekto ni Echiverri ay nagsimula noong taong 2005 hanggang sa kasalukuyan.

Kabilang sa mga bagong school building na naipatayo ni Echiverri noong 2005 ay ang 2 storey 8 classroom building sa Kasarinlan High School; 2 storey 8 classroom building sa Maypajo High School; 3 storey 12 classroom building sa Camarin High School at 2 storey 9 classroom building sa Kalayaan High School.

Noong 2006 naman ay naipatayo ng alkalde ang 3 storey 6 classroom building sa Bagong Barrio Elementary School; 2 storey 8 classroom building sa Urduja Elementary School; 3 storey 7 classroom building sa Sampaguita High School; 3 storey 6 classroom building sa Bagong Silang Elementary School; 3 storey 3 classroom building sa Sto. Niño Elementary School; 3 storey 6 classroom building sa Ceilito Zamora Elementary School; 3 storey 6 classroom building sa Caloocan North Elementary School; 2 storey 8 classroom building sa Horacio dela Costa High School at ang 3 storey 6 classroom building sa MLQ Elementary School.

Kasama naman sa mga naipatayong bagong school buildings ni Echiverri noong 2007 ang 2 storey 4 classroom building sa East Bagong Barrio Elementary School; 3 storey 6 classroom building sa Bagumbong Elementary School; 2 storey 8 classroom building sa Bagumbong High School; 2 storey 8 classroom building sa Urduja High School; 3 storey 6 classroom building sa Camarin Elementary School; 2 storey 8 classroom building sa Star Elementary School; 3 storey 11 classroom building sa MLQ Annex, Malaria at 2 storey 6 classroom building sa Tala High School.

Noong 2008, naidagdag sa mga naipatayong school buildings ni Echiverrri ang 2 storey 8 classroom building sa Kasarinlan High School; 3 storey 6 classroom building sa Bagong Barrio High School; 3 storey 6 classroom building sa Baesa High School; 3 storey 6 classroom building sa Deparo High School; 3 storey 6 classroom building sa Deparo Elementary School; 3 storey 6 classroom building sa Camarin D Elementary School; 3 storey 6 classroom building sa Pag-Asa Elementary School at 3 storey 6 classroom building sa Ceilito Zamora High School Annex.

Nadagdag pa sa mga naipatayong school building ni Echiverri noong 2009 ang 2 storey 8 classroom building sa Bagumbong Elementary School habang noong 2010 naman ay pinagawa ang 3 storey 12 classroom building sa University of Caloocan City, Camarin; 4 storey Kaybiga High School; 3rd at 4th floor sa Bagumbong Elementary School, Annex; 3rd at 4th floor ng Bagumbong High School, Annex; 3rd at 4th floor ng Urduja Business High School; 2 storey 6 classroom building sa Urduja High School; 3 storey 6 classroom building sa Kalayaan Elementary School at 3rd at 4th floor ng Amparo High School, Annex.

Noong 2011 ay nadagdag pa sa mga bagong school building na naipatayo ni Echiverri ang 3 storey 6 classroom building sa Maria Clara High School; 3 storey 6 classroom building sa Star Elementary School, Unit 1 at sa kasalukuyang taon ay naipatapos na rin ng alkalde ang 3rd floor ng Gomburza Elementary School na naapektuhan ng sunog noong isang taon.

Bukod sa mga classroom buildings ay kasama ring ipinatayo ni Echiverri sa mga paa-ralan sa lungsod ang kanilang mga covered court; multi-purpose stage, gym at iba pa, maging ang tanggapan ng division office ay hindi rin pinabayaan ng alkalde.

Ayon kay Echiverri, patuloy ang gagawin nitong pagsuporta sa lahat ng pampublikong paaralan sa lungsod upang magpatuloy din ang pag-angat ng kalidad ng edukasyon sa pinamamahalaan nitong lungsod.

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.