63-Anyos, Ginilitan ng Magnanakaw

PATAY ANG isang matandang babae makaraang gilitan sa leeg ng pinaniniwalaang magnanakaw na pumasok sa bahay nito.

Kinilala ang nasabing biktima na si Adelaida Laviste, 63, at residente ng Lapu-Lapu Street, Pantoa, Zone III, Koronadal City.

Napag-alaman na nag-iisa lamang ang matanda sa bahay nito at huling nakita na nagwawalis sa labas ng tahanan.

Posible umano na pinasok ng suspek ang bahay nito kamakailan.

Nakita na lamang ang bangkay ng biktima na naliligo sa sariling dugo sa loob ng kanyang silid, kung saan may malaking sugat ito sa kanyang leeg at binusalan pa ng tuwalya ang kanyang bibig.

Kabilang naman sa mga nawalang gamit ng biktima ang kanyang laptop ngunit, hindi naman umano nagalaw ang pera at alahas ng matanda.

Kasalukuyang nagpapatuloy ang  pagsisiyasat ng mga kinauukulan sa naturang insidente.

(PARAZZI REPOTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.