61,500 Bagong Guro, Planong Kunin ng DepEd Sa 2013

KUNG PAPALARIN, plano ng Department of Education (DepEd) na kumuha ng higit 61,000 bagong guro para sa 2013. Ito’y upang mapunan ang malaking kakulangan sa mga guro sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Sinabi ni DepEd Asec. Tonisito Umali, umaasa ang kagawaran na maisasabatas ang pagbibigay ng pondo para sa 61,500 bagong teaching positions.

Layon din umano nito na gawing regular ang contractual na Kindergarten teachers na sumusweldo lang ng P3,000 hanggang P6,000 kada buwan.

“Unti-unti po natin silang nire-regularize, ‘ika nga, para makuha nila yung Teacher 1 item postiion na talaga naman pong mas mataas ‘yung benepisyo kumpara sa nakukuha nila,” ayon kay Umali.

Samantala, naniniwala naman si Alliance of Concerned Teachers (ACT) Rep. Antonio Tinio na hindi sapat ang pagdadag-dag lang ng mga guro sa susunod na taon.

Dapat unahin ang regularization ng mga volunteer at contractual teachers maging ang pagtataas ng suweldo ng mga ito mula sa basic salary na P18,549 sa higit P24,000 na basic salary, paniniwala ni Tinio.

Ang kawalan ng suporta ng Palasyo ang dahilan kung bakit hindi pa naisasabatas ang pagtataas ng suweldo ng mga guro, dagdag pa ni Tinio.

Depensa naman ni Umali, sinusuportahan ng ahensiya ang petisyong ito ni Tinio, gayuman, ay naniniwala itong may mga hakbang nang ginagawa ang Malacañang para masolusyunan ang mga problema sa mga pasuweldo sa mga guro. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.