60 katao, arestado sa “tupada”

MISTULANG MGA DAGA na nakorner at walang matunguhan ang 60 katao na naaresto, makaraang salakayin ng mga awtoridad ang “tupadahan,” sa Valenzuela City, noong Linggo ng umaga.

Dahil sa mga naaresto sa “tupada” (Illegal Cock Fighting), napuno ang bagong detention cell ng Valenzuela Police Station na dati-rati ay walo lang ang nakapiit.

Ayon kay P/ Senior Inspector Muammar A. Mukaram, hepe ng Intelligence Division, bandang alas-10 ng umaga nang makatanggap sila ng tawag, kaugnay sa tupadahan sa Sarangani Compound, Narciso Street, Canumay East, Valenzuela City.

Dahil dito, bumuo ng raiding team si Mukaram at nilusob ang nasabing illegal na sugalan.

Dahil iisa ang daanan, huli lahat ang mga nagsasabong, kasama ang mga panabong na manok.

Napag-alaman na pag-aari ng isang nagngangalang “Mr. Chua” ang nasabing compound na matagal nang ginagawang sabungan.

Sinabi ni Mukaram na naiinis ang mga residente doon, dahil sa ingay at hiyawan ng mga nagsasabong.

Kasong PD 1602 ang ikinaso sa mga naaresto.

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.