6 Sugatan sa Karambola ng 5 Sasakyan sa NLEX

 

ANIM NA katao ang nasugatan matapos magkarambola ang limang sasakyan sa kahabaan ng North Luzon Expressway (NLEX) malapit sa San Simon exit sa Pampanga.

Lumalabas sa pagsisiyasat ng mga awtoridad, apat na pribadong sasakyan at isang Genesis bus ang nagbanggaan dahil sa umano’y miskalkulasyon sa dami ng naglalakbay sa NLEX.

Isinugod na sa Calcutta Hospital ang mga sugatang biktima.

Agad namang natanggal ang limang sasakyan para hindi na magdulot ng pagbigat ng daloy ng trapiko.

Samantala, bukas nang lahat ang 17 tollgate sa bukana ng NLEX.

Kinakailangan namang salubungin pa ng ambulant teller ang mga motorista upang hindi na lalong hu-

maba ang tinatayang 500 me-trong pila ng mga sasakyan sa Balintawak Toll Plaza.

Bukas na rin ang anim na tollgate ng Mindanao Toll Plaza, na alternatibong daan patungong NLEX.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.