6 patay nang araruhin ng truck

DEAD ON the spot ang limang driver ng motorsiklo matapos aksidenteng araruhin ng isang truck sa Catbalogan, Samar.

Ayon sa isa sa mga kaanak ng biktima, nakapila ang mga driver ng motor sa kanilang paradahan nang biglang inararo ng nasabing truck dahilan ng agarang pagkasawi ng mga biktima.

Bagama’t naisugod pa sa pagamutan ay binawian din ng buhay ang isang Jonathan Martin, na siyang pang-anim sa mga nasawing motorcycle driver.

Samantala, kritikal pa ang kalagayan ng driver ding si Edwardo Ogsonar.

Wasak din ang bahay na nadamay sa naganap na insidente.

Dahil sa sobrang takot ng driver, tumakas ito at naiwan ang minamanehong truck.

Nagsasagawa pa rin ng pagsisiyasat ang mga kinauukulan hinggil sa pangyayari.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.