6 patay; 8 sugatan sa Basilan ambush

PATAY ANG ANIM na katao kabilang ang isang miyembro ng Civilian Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) sa panibangong pag-atake ng umano’y miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa bayan ng Sumisip  sa Basilan kahapon ng umaga.

Ayon kay Major Harold Cabunoc, tagapagsalita ng Philippine Army, ang mga nasawi ay kinilalang sina Fernando Tantalon, Renato Aligay, Junrel Langugon, Delord Johnson, at Buenaventura Lugamay.

Sugatan naman sila Alfredo Rojas, Danilo Tonghay, Adzar Madjakin, Abdul Mot, Gilbert Guevera, Julibert Dingkong, Francisco Taklindom at Bonficiao Dagodong, Jr.

Sa pagitan ng alas-6 at alas-7 ng umaga nang tambangan ng armadong kalalakihan sa pamumuno umano ng isang Hassan Asnawi, miyembro ng MILF, ang tropa ng pamahalaan na patungo sana sa isang rubber plantation sa Sitio Along-Along, Barangay Upper Cabengbeng.

Sinabi ni Cabunoc na kanila pang bine-verify kung anong grupo ang umatake.

Sa datos, aabot na 27 sundalo, 1 CAFGU, 5 sibil-yan ang nasawi sa labanan sa Basilan at Zamobanga Sibugay kahit pa umiiral ang tigil-putukan kaugnay na rin sa pagpapatuloy ng peace talks.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.