6 Parak na Sangkot sa Kidnapping, Sisibakin

PINASISIBAK SA puwesto ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director C/Supt. Leonardo Espina ang anim na mga bagitong pulis na sangkot sa pagdukot sa dalawang babae sa Parañaque City.

Dismayado ang heneral sa muling pagkakasangkot ng mga alagad ng batas sa mga iligal na aktibidad. Giit ni Espina na walang puwang sa organisasyon ang mga naturang police scalawags kung kayat dapat lamang alisin sa puwesto at serbisyo ang mga ito.

Una nang naaresto ng PNP-Anti Kidnapping Group (AKG) ang dalawang pulis na sina PO2 Herminigildo Gajeto at PO1 Ryan Manga.

Habang isang manhunt operations ang inilunsad ngayon ng Southern Police District (SPD) para sa apat pang ibang pulis na nakilalang sina PO2 Michael Marcos, PO2 Rigor Octaviano, PO1 Domingo Abarico at PO1 Dennis Quinto.

Sinabi naman ni SPD District Director C/Supt. Jose Erwin Villacorte  na kinukunsidera na nilang AWOL (absent without official leave) ang apat na mga pulis at hindi nagpapakita ng senyales na sila ay susuko.

Samantala, sinampahan na ng robbery (extortion), unlawful arrest, arbitrary detention and violation of the election gun ban ang anim na mga pulis.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.