6 NA SCOUT RANGER, ABSUWELTO

INABSUWELTO NG MILITARY court sa kasong mutiny ang anim na Army officers na kabilang sa February 2006 coup d’ etat laban sa Arroyo administration.          Kinatigan ng korte ang motion for reconsideration na humihiling na ibasura ang kaso nina Major Jason Aquino at Captains Isagani Cristie, Montano Almodovar, James Sababan, Joey Fontiveros at Dante Langkit, pawang miyembro ng elite Army Scout Rangers.

Nasa active service pa ang mga ito maliban kay Langkit na natalo sa local elections noong may 2010.

Gayunman, ipagpapatuloy ang general court martial proceedings laban kina Maj. Gen. Renato Miranda, Brig. Gen. Danilo Lim  at  Col. Ariel Querubin.

Ito’y nang hindi katigan ng military court na pinamumunuan ni Maj. Gen. Josue Gaverza ang motion ng tatlo dahil sa kawalan ng merito.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.