6 na Sasakyan, Nagkarambola sa SLEX

ANIM NA sasakyan ang nagkarambola sa northbound lane ng South Luzon Expressway (SLEX) kahapon ng umaga.

Lumalabas sa inisyal na pagsisiyasat, may isang L-300 van ang natanggalan ng kaliwang gulong sa likuran kaya nagkabanggaan ang mga motoristang umiiwas dito bago umakyat ng flyover sa C5 Exit.

Samantala, kabilang sa naaksidente ang isang Jam Transit bus pero wala namang nasugatan.

Isang lane lang ang nadaanan ng mga motorista matapos ang aksidente kaya ayon sa Skyway Corporation Traffic Center ay umabot sa Bicutan Exit ang pagbibigat ng trapiko.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.