6 na Sasakyan, Nagkarambola sa Nagtahan Bridge

ANIM NA sasakyan ang nagkarambola sa Nagtahan Bridge kahapon ng tanghali.

Isinara ang southbound lane ng tulay dahil sa aksidente na kinasangkutan ng isang 18-wheeler na trak, dalawang taxi at tatlong kotse.

Sinabi ng driver ng trak na may kargang buhangin, paakyat siya ng Nagtahan nang mawalan ng preno kaya nakaaksidente.

Samantala, wala namang nasugatan o nasawi sa nasabing insidente, pero nagdulot ito ng pagbibigat sa trapiko.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.