6 na pulis sa Region 11, positibo sa drug test

DAVAO CITY – TINUKOY na ng Police Regional Office (PRO-11) ang anim na mga pulis ng Davao City Police Office (DCPO) na positibo sa iligal na droga.

Ayon kay Supt. Jose Carumba, tagapagsalita ng PRO-11, ‘di pa nila maibubulgar sa ngayon kung ano ang pangalan ng nasabing mga pulis.

Tatlo sa nasabing mga pulis ay may ranggong SPO1, isa ang PO3, isa ang PO2 at isa ang PO1, dagdag ni Carumba.

Nakatalaga ang mga nabanggit na pulis sa Buhangin PNP, Marilog PNP, Public Safety Company ng DCPO, Paquibato PNP, Santa Ana PNP at Sasa PNP.

Kung may karapatan ang publiko na malaman ang takbo at kalagayan ng mga pulis ng Davao, may karapatan din ang mga ito sa due process, ani pa ni Carumba.

Iniutos na rin ni C/Supt. Jaime Morente, PRO regional director, sa DCPO na magsagawa ng mas malalim pang pagsisiyasat upang malaman kung dapat pang sampahan ng kasong kriminal ang mga pulis. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.