6 na Preso sa Cagayan Prov’l Jail, Nakapuga

ANIM NA preso ang nakapuga sa Cagayan Provincial Jail kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga nakatakas na sina Vincent Badajos, Jong Romero, Kevin Chua, Christopher Tasi, Harris Tasi at Agustin Kawilan.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, natuklasan ang pagtakas ng mga preso dakong alas-6:45 ng umaga.

Nabatid na tinutukan ng baril ng mga preso ang mga jail guards na nagsagawa ng routine inspection.

Ikinulong pa ng mga preso ang mga jail guards bago lumabas

at saka sumakay ng tricycle sa kanilang pagtakas.

Patuloy naman ang manhunt at dragnet operations laban sa mga pugante.

Nagbabala rin ang mga awtoridad na ang mga nakapuga ay itinuturing na hardened criminals na sangkot sa heinous crimes bukod pa sa mga armado ang mga ito.

Naglaan naman si Cagayan Governor Alvaro Antonio ng P100,000 para sa sinumang makapagtuturo sa kinaroroonan ng bawat pugante.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.