6 na preso, nakapuga sa Misamis Oriental Prov’l Jail

ANIM NA PRESO ang nakapuga sa kanilang detention cell sa Mi-samis Oriental Provincial Jail, kahapon ng madaling-araw.

Ayon kay Warden Dominador Tagarda, naganap ang pagtakas alas-2 ng madaling-araw kahapon sa kanilang kulungan na matatagpuan sa Corales/Luna St ., sa Cagayan de Oro City.

Batay sa imbestigasyon, sinira ng mga ito ang kisame at bubong ng kulungan upang makatakas.

Gayunman, namataan sila ng mga awtoridad kaya naman hinabol ang mga ito kung saan dalawa sa mga pugante ang mu-ling naaresto.

Kinilala ang mga ito na sina Loreto Monte-rola na may kasong frustrated  homicide at Reneboy Zamaranos, nahaharap sa kasong qualified theft.

Pinaghahanap pa ang apat na may kasong carnapping at robbery.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.