6 na nagpakilalang taga-DENR, arestado sa extortion

KALABOSO ANG anim katao makaraang maglunsad ng entrapment operation ang mga tauhan ng Marilao Police,matapos umanong mangikil sa isang foods factory sa Brgy. Sta Rosa – 1, Marilao, Bulacan kamakalawa ng hapon.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Gerry Andaya kay PNP Provincial Director P/S Supt. Fernando H. Mendez, Jr., kinilala ang mga nadakip na suspek na sina  Cenon Robles, 47, residente ng San Mateo, Rizal; Ernie Cruz, 48, ng Tugatog, Malabon; Rodelio Nolasco, 40, ng San Pascual, Obando; Julius Valerio, 38, ng Samson Road, Caloocan City; Ferdinan Payumo, 45, ng Sucat, Parañaque City; at Josefino Sena Y Conias, 59, ng Panghulo, Malabon City; samantalang ang biktima naman ay nakilalang si Nelia Abrio-de Leon, 47, financial analyst, residente ng Brgy. Tanong, Marikina City.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, dakong alas-1:30 ng hapon nang madakip via entrapment ng mga suspek na nagpanggap ng kawani ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Nabatid na humihingi ng halagang P8K ang mga suspek sa biktima bilang lagay sa umano’y violation ng Pollen Foods Factory, kung saan wala umanong Environment Compliance Certificate mula sa nabanggit na ahensiya. Kung saan miyembro umano sila ng DENR Anti-Illegal Logging Task Force and Environmental Law Enforcement Task Force.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang isang cal. 45 na baril, at ilang mga ID’s ng DENR employee.

Kaugnay nito, detenido ngayon ang mga suspek sa Marilao Municipal Jail sa kasong Robbery Extortion.

(TONY DELA PEÑA) 

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.